Lunes, Oktubre 17, 2016

High Blood; No. 1 Killer in the Philippines, Alamin kung paano maiwasan at masolusyonan?

HIGH BLOOD: ANO ANG SOLUSYON?
Kapag ang blood pressure niyo ay palaging lampas sa 140 over 90, ang ibig sabihin ay may high blood ka na. Ang normal na blood pressure ay mas mababa sa 140 over 90. Ang pinakamainam na blood pressure ay mga 120 over 80.
Mayroong 2 klaseng gamutan sa high blood: (1) ang pagbabago sa pamumuhay o lifestyle changes at (2) ang pag-inom ng gamot. Kung ang blood pressure niyo ay bahagyang lumampas pa lamang sa 140 over 90 at wala naman kayong nararamdaman, baka makuha pa natin ito sa pamamagitan ng pagbabago sa pamumuhay.
Ngunit kapag lampas sa 160 over 100 ang iyong presyon o may sintomas na kayong nararamdaman, kailangan niyo nang uminom ng gamot sa high blood.
Natural na paraan:
1. Magbawas ng timbang. Kapag kayo ay lampas sa timbang, mas tataas ang iyong blood pressure. Kung maibababa niyo ang iyong timbang ng 10 pounds, ay bababa din ang iyong blood pressure ng 10 points.
2. Magbawas sa pagkain ng maaalat. Umiwas o magbawas sa paggamit ng asin, toyo, patis at bagoong. Bawasan din ang pagkain ng noodles, daing, tuyo at sitsirya. Kapag ginawa niyo ito, siguradong bababa ang iyong blood pressure.
3. Mag-ehersisyo ng 3 hanggang 5 beses bawat linggo. Gawin ito ng 30 minutos hanggang 1 oras. Piliin ang ehersisyo na angkop sa iyong edad. Puwede ang jogging sa mga bata at paglalakad o taichi sa mga may edad.
4. Matulog ng 7 hanggang 8 oras. Magpahinga at mag-deep breathing kapag ika’y napapagod.
5. Magbawas ng trabaho. Ang sobrang daming ginagawa ay puwedeng magdulot ng high blood. Gawin lang ang sapat na trabaho sa isang araw.
6. Huwag palaging magagalit. Posibleng tumaas ng points ang iyong blood pres­sure kapag ika’y galit na galit.
7. Labanan ang init na panahon. Ang mainit na klima ay may epekto din sa may high blood. Uminom nang sapat na tubig sa isang araw. Umiwas sa araw at magpalamig.
8. Mahalagang paalala: Hin­di gamot sa high blood ang pagkain ng ba­wang o pineapple juice. Masustansya ang mga ito pero hindi ito sapat para bumaba ang iyong presyon.

For more Health Tips....CLICK HERE

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento